Mag-init ng oil sa medium heat at igisa ang sibuyas hanggang bumango ito.
Idagdag ang kikiam at i-saute hanggang mag-light brown. Idagdag ang atay at lutuin hanggang maging dark brown. Kunin ang ilan para sa toppings.
Idagdag ang pork bouillon cubes at haluin. Idagdag ang water at soy sauce. Lutuin hanggang mag-simmer.
Idagdag ang lomi noodles at i-simmer ng mga 5 minuto o hanggang lumambot.
Idagdag ang cassava starch na tinunaw sa tubig at pakuluin ng 5 minuto o hanggang lumapot ang sabaw.
Idagdag ang mga itlog at haluin agad. Pakuluin ng 1 pang minuto at timplahan ng salt and pepper.
Ilagay sa mangkok at lagyan ng toppings. Ihain kasama ang sawasawan na gawa sa soy sauce, calamansi, red chilies, at onions.
Comments
Post a Comment