Salain o i-strain ang all-purpose flour, sugar, at baking powder sa isang mangkok. Itabi. Ito ang dry ingredients.
Paghaluin ang water, evaporated milk, egg, atbutter sa isa pang mangkok. Ito ang wet ingredients.
Isalin ang wet ingredients sa dry ingredients. Haluin hanggang sa mawala ang mga buo-buong dry ingredients at makinis na ang batter.
Isalin ang batter sa puto mold or cupcake tins hanggang 3/4 na puno.
Siguraduhing kumukulo na ang tubig sa steamer, at isalang ang puto. I-steam nang 10 minutes.
Maglagay ng 1 slice ng cheddar cheese sa ibabaw ng mga puto at i-steam nang 1 minuto o hanggang matunaw nang bahagya ang cheese. Alisin sa steamer at palamigin bago ihain.
Comments
Post a Comment